Nasali si Inday sa 1 vs 100 Part 4Edu: Ok let us continue… it is now 1 vs 87!!!!
Edu: Your next question is worth 3,000 pesos. Kung ikaw ay isang blogger, ano ang madalas mong ginagawa? Is it A, magsulat, or B, makipagusap sa telepono, or C, kumanta? Mob members please key…
Di pa tapos si Edu ay sumingit kaagad si Inday…
Inday: Finally, something easier! It’s letter A, magsulat. (sabay pindot sa letter A)
Nagulat na lang si Edu sa ginawa ni Inday at mukhang kakapusin ng hininga…
Edu: Inday pakikuha nga ako ng kape… este tubig… (ginawang katulong pa talaga si Inday)
Humingi si Inday ng tubig sa mga set personnel at iniabot kay Edu.
Edu: (Uminom muna ng tubig) Inday anong ginawa mo?!! Ba’t pumindot ka na kaagad eh hindi pa tapos sumagot ang mob members? Di mo ba naisip na baka naibigay mo sa kanila ang tamang sagot?
Inday: Oh Mr. Manzano but that’s what I was gunning for. I don’t want to eliminate the multitude this early in the game. I’d rather have them eliminated when the value of the question is at its highest.
Napaisip si Edu…
Edu: Ahh… nage-gets ko pero… mali pa rin eh. Iba ka talaga Inday. Pero next time please hintayin mong makasagot sila bago ka sumagot ok? Sige, tignan na lang natin kung tama ang sagot mo.
Edu: Ang tamang sagot ay… A, magsulat. Matanong nga kita Inday, familiar ka ba sa blogging? Paano mo ito nalaman? Nagblobog ba ang amo mo? or baka…
Inday: Oh Mr. Manzano, haven’t you heard of my blog yet? It’s
http://www.blogniinday.com and I learned how to blog just by surfing the internet. You know what surfing the net means right?
Natameme na lang si Edu…
Edu: Ahhh… uhh… oo. Pero wag na naten pag-usapan yan, alamin na lang natin kung may nagkamali pa rin sa mga mob members. May nagkamali ba sa round na ito?… (pause)…. 1! (nagulat si Edu)
Edu: May isang nagkamali… number 52… Abe? Pambihira binigay na yung sagot mali ka pa rin. Tsaka diba tinuturing kang isa sa mga top bloggers dito sa Pinas? Ano ba yung sinagot mo?
Abe: Ay ano kasi sir, hindi ho ako nakapindot ng sagot eh. I was updating my blog with my cellphone via twitter kaya nawala sa isip ko.
Edu: Magaling! Minsan ka lang masali dito sa show naisipan mo pang magcellphone habang naglalaro.
Edu: Inday, dahil may isang natanggal, nakalikom ka ng 3,000 pesos which brings your total money to 29,000 pesos. So anong tanong… is it the money? … or the mob?!?!
Inday: Sure, I’ll take on the mob!